Nakakatuwa isipin ang pagbabago ng panahon. Nagbago ka kasabay ng pagbabago ng panahon.
Habang buhay mo ay patuloy na umiikot, patuloy ring nagbabago ang mga bagay-bagay sa paligid mo.
Katulad na lang ng pamasahe at presyo sa tindahan 'dun sa kanto. Kung dati ang jeep, 4 pesos lang ayos ka na. Yung kending tatlo dos, ngayon piso isa na.
Dati raw, pag nakaiwan ka ng grocery bag sa daan, pag balik mo bukas o mamayang hapon, andun parin. Ngayon siguro, dala-dala mo palang 'yung grocery bag mo, pipilitin nang agawin sa'yo.
Panahon, patuloy na tumatakbo. Pati ikaw nagbabago.
Unti-unti mong nakikilala ang sarili mo.
Kung dati, nung bata ka pa